Halik Sa Hangin (with Ebe Dancel) Song Lyrics

Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin

(Nung dati-dati pa… dati-dati pa…)

Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Sandali lang nabuhay ang pusong ito
At ngayon nagdurugo

Dahil nga ngayon wala na ako doon sa piling niya
Mayroong pag-asa pa ba?
Sana lang ay magkaroon isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya

Nung ako ay masaya…
Nung ako ay masaya…
Nung ako ay masaya…
Nung ako ay masaya…

Masaya…

Sabik na sabik na akong makasama siya
Gusto kong humalik sa labi at mga pisngi niya
Pwede bang ibalik pa yung pag-ibig naming dal’wa
O wala na talaga?

Dahil nga ngayon wala na ako doon sa piling niya
Mayroong pag-asa pa ba?
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya

Nung ako ay masaya…
Nung ako ay masaya…
Nung ako ay masaya…
Nung ako ay masaya…

Masaya…

Napakasakit ng dinaranas ko ngayon
Para bang ako’y sinaksak at sa puso ko’y binaon
Ang pinakamahaba at makalawang na balisong
Para din wala nang buhay ang katawan ko
Bulong ng bulong ng bulong ang hangin
Tapusin ko na itong paghihirap ko
Mahirap harapin ang panahon kung wala na talaga siya sakin
Hindi ko na kaya yon
Kailangan ko yung pag-ibig na ibig ibigay noon
Yung mga araw na may araw pa akong nakikita
Bago nawala ang liwanag sa aking kapaligiran
Bago pa nangyari na bumagsak ang aking mundo
Bago nawasak ang lahat ng mga pinapangarap ko
Di ko na yata talaga kaya manatiling ganito
Naubusan nako ng luha umiiyak ng dugo
At kahit masama sana maunawaan mo po
Ayoko lang na masaktan sa tuwing maaalala ko

Nung ako ay masaya…
Nung ako ay masaya…
Nung ako ay masaya… (Masmasaya…)

Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin…



Hide Comments
Show Comments