Cerberus (feat. Loonie, Ron Henley) Song Lyrics

Sige pumasok ka sa loob ng aking utak utak u-takbo!
Sige bilisan mo pa hanggang sa madapaka kasi ang kupad kupad mo TAKBO!
Para di ka maabutan, kinikilabutan, kinatatakutan MO!
Kapag nahuli ka patay kang bata ka na para bang nakunan sa sinapupunan UGH
Isa, dalawa, tatlo kilala bilang mga sira ulo
halatang inakala ng iba na ‘di makapangyarihan ang mga ginayuma
Waaa-sak ang mga talukap ng mga masangsang na alamang at talakang walang alam at
halatang nagtatakang maghatakan nang pababa ng pababa lang hanggan sa hangganan na WALANG HANGGAN!

Puro mga inggitero na bagot, oo mga feelingero na yamot
Pa’no niyo ko hihilahin sa balong malilim eh hindi niyo nga ‘ko maabot
BRAAA-TATATATA CHIK CHIK PAK! O di ba nakakatakot?
pagka’t di niyo matatakasan ang boses ng kabataan
kapag sure hit ang mga pasabog
Sino ba yan? Sinubaybayan at sinabayan lang naman ng buong sambayanan
Kahit gago, makabago, makatao at makatarungan
Heto na si Abra tantananan.
Di man katangkaran pero nakayanang umakyat sa pedistal at gumawa ng himala
Binatang makatang matinik nakakaiba talaga mag-isip maski na maliit andami pa ring tumitingala BRAAA!

Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
Pwede mo itong ihalintulad sa isang higanteng pintuang di mo maitulak
Tingnan mo itsura, di mo masikmura parang ginawa mong inumin ang suka
Wag kang umasa na mangyaring magkatsansa ka sakin
kasi distansya natin bituin at lupa
Libu-libong sinagupa, Binaon parang basura
Pinipicturan ko muna
Bago ilibing sa lupa, primitibong lirisismo pipilitin kong pinitin
kung tingin mo kiliti mo’y imposible kong makuha pilipinong sining at literaturang
hinaluan ng mga bara na niroglipiko ang sulat mga titik na inipon at sinukat ay nagiging
ipu-ipo pag hindi ko naisuka!
Pag ako nagalit, papaupuin kita sa dala ko na karit.
Ako si kamatayang bumaba mula sa langit.
Alam mo ba kung bakit? Para sindihan ka nang buhay
hanggang sa malapnos ang balat at makalbo ang anit
Pag parang kambing na yung amoy Papatayin ko yung apoy palakol ang gamit!
Sige pumasok ka pa sa loob ng aking utak
Hinulma ng usok, puyat, Kuya Kiko at ni 2pac
Susubukan kong unatin at sukatin sa talampakan upang makita nilang lampas bente ang
taas Maaring makapasok kaso nga lang pag pintua’y nagsarado siguradong di na pwedeng LUMABAS!

Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
Para kang umakyat ng Banahaw at naligaw sa gitna ng gubat
Di mo maintindihan parang dikit-dikit na sulat ng doktor
Mga kabit-kabit na letra parang tren Pinatatakbo pa rin
kahit akala ng iba’y kinakalawang ang motor.
Hawak ko’y tinidor na mula kay Poseidon at Shiva
Pag tinamaan ang lintik! Siguradong may baong, matataas na along kayang lumamon ng isla.
Salamat ginising mo ang pinakamatangkad sa limang daliri ko
Uso ata ang utak at pusong mabatato panahong PALEOLITIKO.
Masdan mo ang sugat sa likod ng larawan ng mga multong di na nagparamdam
Dati binabahayan ng pula ngayon nama’y binabawi na ng mga itim na langgam
Naramdaman ang nagbabagang lupa mula sa bala ng Shaman
Nagpatangay sa hangin hanggang sa mapadpad sa patag
na dapat lakaran pagdaan ko mga aso kumahol
Yung iba naglabas ng pala piko’t, asarol
Sinubukan nilang hukayin ang lalim ngunit natagpuan lang nila ay ang kanilangsariling ataul.
Tanggalin niyo na
Muna ang mga, muta sa mata, na nakabara
Hala sige maghilamos
Nang makita niyong patay na isda lang ang sumasabay sa agos.



Hide Comments
Show Comments